Rizal John

Click hersubtitle

51 views - 0 comments
42 views - 0 comments
17 views - 0 comments

  • Henry Sy

Si Henry Sy ay maimpluwensya sa mundo ng mga negosyante. Siya at ang kanyang grupo ang nagmamayari ng humigit kumulang 30 sanga ng SM shopping malls dito sa bansa, Banco De Oro-EDCPI Bank at karamihan ng shareholdings sa China Bank. Mahirap noong siya'y bata pa, nagsimula si Sy magtrabaho sa tindahan ng kanyang ama sa edad na 12. Pagkatapos ng giyera taong 1945 naisip niyang magbenta ng mga sapatos galing Amerika. Hanggang sa binuksan niya ang unang Shoemart (SM) na di naglaon ay lumago at nagkaroon ng iba pang produkto bukod sa sapatos. Nag-aral at nagtapos siya sa Far Eastern University. Siya ay may 2.6 bilyong dolyar na ari-arian noong 2008. Ang kwento ng kanyang buhay ang naghimok sa iba pang negosyante na magsimula din ng kanilang negosyo. Siya ang itinanghal na pinakamayaman sa bansa.





Si Villar ay ang ikalawa sa siyam na anak nina Curita Bamba, isang seafood dealer, at Manuel Montalban Villar Sr., isang empleyado ng gobyerno. Ipinanganak noong Disyembre 13, 1949 sa Moriones, Tondo, Maynila, nagsimula siyang magtrabaho sa murang edad bilang katulong ng kanyang ina sa pagtitinda ng pagkaing-dagat (seafood) sa Divisoria. Sa kanyang pagsusumikap ay siya na rin ang nagpaaral sa sarili. Nagtapos siya ng elementarya sa Holy Child Catholic School noong 1962 at ng hayskul sa Mapua Institute of Technology noong 1966.

Isa pa rin siyang working student pagdating ng kolehiyo bilang seafood trader. Matapos ng ilang taon ay nakatapos rin siya ng undergraduate at master's degree sa Business Administration and Accountancy sa Unibersidad ng Pilipinas. Sinubukan rin niyang magtrabaho sa prestihiyosong Sycip, Gorres, Velayo & Co. (SGV & Co.), ngunit umalis din kinalaunan upang ipagpatuloy ang kanyang negosyong seafood delivery. Sa maikling panahon ay nagtrabaho rin siya bilang financial analyst sa Private Development Corporation of the Philippines, ngunit nagbitiw din agad sa tungkulin at nagsimula ng panibagong negosyo na kaugnay sa construction.

Sa kanyang negosyo sa construction niya napag-isip-isip na simulan ang muling pagtatayo ng isa pang negosyo--ang pagbebenta ng bahay at lupa. Simula noon ay itinuring si Villar bilang isa sa mga haligi ng industriya ng real estate sa Pilipinas.